Thursday, 16 October 2014

Kahapong Lumipas


Alam kong mali,
  ngunit ginawa ko pa rin.
Alam kong masasaktan ka,
  ngunit ginawa ko ulit.

Hindi ko naman sinasadya,
  ngunit wala naman akong magagawa.
Iniwan na kita't
  Minahal ko na siya.

Ang pag-hingi ko ng tawad,
  sana'y tanggapin.
Sa kahapong lumipas,
  Ako sana'y patawarin.

Ang tangi kong hiling,
  sayo aking giliw.
Ang umibig muli't,
  hindi dapat pilit.


10-16-2014 :)


No comments:

Post a Comment