Sunday, 7 May 2017

Kapag napagod magpahinga


Hindi lahat ng tao ay ahas, ang iba aso. Pero pag nawala ang dating iyo, wag mong isisi lagi sa iba. Wag mong sabihing inahas o inaso. Nagpabaya ka bes. Pinakawalan mo, isinuko. Nakaramdam ka pero hindi mo inilaban. Marahil naniwala kang kung sayo ay sayo. Pero hindi lahat ng dyip ay ikot o babalik. Sana naisip mong pag ang drayber pagod na kahit gustuhin niya pang bumiyahe gagarahe yan. Kahit kulang pa sa kita kung quota na sa pagod kailangan ng ipahinga. :)

#WordsByGoba